MENU

meyc
Taong 2017 nang opisyal na magsimula ang konsepto ng Gulayan sa Barangay sa Lungsod ng Meycauayan, bagamat noon pa man ay nagpapamahagi na ng buto ng gulay at iba pang pananim  ang Konseho sa Nutrisyon sa pamamagitan ng Agriculture Department sa mga residente ng ibat ibang barangay. Bago idaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon noong Hulyo 2017, nagpulong ang Konseho at isa sa tinalakay at pinagkasunduang gawin ay isabay sa mga panapos na gawain ng buwan ng nutrisyon ang pamamahagi ng buto sa mga miyembro ng Barangay Nutrition Committee at gawin itong maliit na panghikayat kung saan ang mga lalahok o makikiisang barangay ay gagawaran ng katibayan ng pagkilala sa pagtatapos ng taon.

Maganda ang naging tugon ng mga barangay, lahat ay nakiisa. May ilang barangay na hindi lamang nila ipinamigay ang mga buto sa mga residente upang itanim kundi maging ang mga opisyal ng barangay ay nagtanim ng gulay sa mga lupang sakop ng kanilang barangay. Ginawaran ng pagkilala ang mga barangay na lubos na nakiisa sa gawain. Dahil sa tagumpay na nakamit ng gawain, nang sumunod na taon - 2018, sa pagpupulong ng tanggapan ng nutrisyon kasama ang mga BNS ay binalangkas ang patimpalak na mag kaugnayan sa naunang konsepto ng gulayan. Ipinasa ito sa konseho sa nutrisyon at sinang ayunan naman ng lahat sa pangunguna ng noon ay Punong Lungsod Henry Villarica, pinamagatan ang proyekto na “GULAYANG SULIT, GAWING HABIT, FOR LIFE” kung saan ang mismong mga miyembro na ng Barangay Nutrition Committee at mga Barangay Officials ang siyang magiging kalahok, bagaman at patuloy pa rin ang pamamahagi ng mga buto ng pananim sa mga residente. 

Sa patakaran ng patimpalak, ang barangay ay maghahanap ng isang bahagi sa kanilang barangay hall o saan mang lupang pag aari ng barangay at duon sila magtatanim. Tanging ang mga miyembro lamang ng Nutrition Committee (yung nakatala sa nilagdaang Nutrition Committee ng Barangay na ipinasa sa tanggapan) at Barangay Officials ang magtatanim at mamamahala dito. Hindi maaaring umimporta ng mga propesyonal na manananim subalit maaaring humingi ng payo sa mga Agricultural Technicians ng pamahalaan. Ipamamahagi ang mga buto ng pananim sa buwan ng Hulyo kaugnay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon at tatagal ang paligsahan hanggang Disyembre kung kailan ang awarding ay magaganap. Ang mga inampalan ay kukunin ng tig iisa mula sa mga departamento at civil society group na miyembro ng Nutrition Council kasama ang Opisina ng ni Vice Mayor Jojie Violago at dalawang konsehal ng lungsod,  Cathy Abacan at Atty. Lara Abracero na kapwa miyembro ng Nutrition Council

3rd article
Bilang tulong sa mga batang mababa ang timbang at mga buntis, ang Municipal Nutrition Committee sa pamumuno ni Mayor Nerivi Santos-Martinez ay namahagi ng Nutrisiyo’y Siguradong Matatamasa (NSM) VegIepack sa 53 barangay bilang suporta sa kinahaharap na pandemya sa Bayan ng Talavera. Sa kabuuang 1,066 na  benepisyaryo ng programang VegIepack, nakinabang ang 497 na batang may mababang timbang kasama ang mga batang malapit nang bumaba ang timbang at 569 na mga buntis.

Ang VegIepack ay naglalaman ng manok, sitaw, patola, kalabasa, upo, kamatis, iodized salt at mga bitamina tulad ng ascorbic acid, ready to use therapeutic food (RUTF) at micronutrient powder para sa mga batang may mababang timbang; at para naman sa mga buntis nabigyan sila ng ready to use supplementary food (RUSF), ferrous sulfate at iron folic acid.

Layunin ng programa na maiwasang lumala ang kondisyon ng mga batang may mababang timbang at magkaroon ng magandang nutrisyon ang mga buntis sa kabila ng kinakaharap na suliranin sa bayan dala ng pandemya.

Gayundin, natulungan ng Municipal Nutrition Committee ang mga magsasaka sapagkat ang mga ani nitong gulay ang siyang binili upang matulungan sila sa kabila ng enhanced community quarantine (ECQ). Malaki rin ang naging parte ng programang gulayan sa barangay at bakuran sapagkat ang iba nitong ani ay naging bahagi ng programa. 

Kasama ni Mayor Nerivi Santos-Martinez si Arjhay P. Bernardo, ang Pambayang Tagapangasiwa sa Nutrisyon, sa pamamahagi ng NSM VegIepack. Layon din nito na mabisita at mabigyan ng kamalayan sa tamang nutrisyon ang mga bata at buntis sa panahon ng pandemya. Katuwang din ang mga tauhan sa tanggapan ng nutrisyon, Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers sa pamamahagi ng NSM VegIepack.

Sa kabila ng suliranin na kinakaharap ng ating bansa, marami pa rin ang nagpaabot ng kanilang tulong kaya naging matagumpay at maganda ang kinalabasan ng programa. Higit sa lahat, naipakita rito ang kahalagahan ng pagtatanim sa mga bakuran at barangay na mismong layunin ng programa upang ang bawat pamilya sa ating bayan ay may maihahaing pagkain sa bawat hapag.

422F6A62 60FE 4F65 A21B 89CA61A100C7
On 11 November 2020, the NNC-Region III, in partnership with the Department of Health Central Luzon Center for Health Development, opened the E-learning Course on Nutrition in Emergencies and Nutrition Information for the local government units of Central Luzon via zoom teleconference. The e-learning course will run from November 11 to December 18, 2020, spread out to 12 half-day sessions on a twice a week basis.   

The training aims to build the capacities of local nutrition cluster members on nutrition information management.  Specifically, the training will help the participants to: (1) demonstrate competence in assessing nutritional status; conducting nutrition surveillance; administering standards and appropriate nutrition interventions for emergencies and disasters; and monitoring and evaluating activities conducted and services rendered; (2) develop competencies on information management including data collection, processing, analysis, visualization and dissemination; (3) develop knowledge and skills on using the six (6) Nutrition Cluster Information Management tools; and (4) improve skills in planning, program implementation, and monitoring and evaluation of nutrition information management activities.

Attendees to the e-learning course are the Municipal Nutrition Action Officers, together with the nutrition staff, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officers, Municipal Health Officers and Municipal Social Welfare and Development Officers from the partner-LGUs of Maria Aurora and San Luis, Aurora; Limay and Samal, Bataan; Baliaug, Bulacan; General Natividad, Nueva Ecija and Castillejos, Zambales.

The three Nutritionist-Dietitians (ND) from the Aurora Province under the ND Deployment Program of the Department of Health were also invited to join the said e-learning workshop.

The conduct of the course is very timely in the advent of the COVID-19 pandemic and the emerging and unexpected emergencies and calamities that will be experienced in the future.

As of this writing, the e-learning course is on its second day. Thus, more LGUs may still join as there are more slots available to accommodate additional students.

For those attending the course, enjoy the classroom and we encourage you to share your experience for us to create ripples of learnings.


Author: RNPC Ana Maria B. Rosaldo

utri WheelNoon pa man, ang mga programang pang nutrisyon ng Bayan ng Talavera, ay binigyan ng masusing pansin ni Mayor Nerivi Santos Martinez upang ang kalusugan ng bawat isa ay mapangalagaan ng mabuti.

Isa sa mga proyekto ng bayan ay ang Nutri Wheel na naipagawa mula sa nalikom na salapi sa ginanap na Nutri Run noong 2019. Layon nitong umikot sa iba’t-ibang barangay upang makapagbigay ng hot meals o mainit na pagkain.

Dahil sa pandemyang ating pinagdaraanan, ang Nutri Wheel  ay nag-ikot sa 53 barangay ng Talavera para mamahagi ng mga masustansyang lutong pagkain sa mga senior citizen, buntis, nagpapasusong ina, batang may mababang timbang at mga kabilang sa mahihirap na pamilya sa bayan ng Talavera. Ginamit naman ang pasilidad ng Food Bank upang ihanda ang mga ipinamigay na masustansyang pagkain sa Talavera.

Ang layunin ng programa ay makapagbigay ng suplementong pagkain sa mamamayan ng Talavera sa kabila ng Enhanced Community Quarantine upang mapanatili pa rin ng bawat isa ang malusog na pangangatawan at maiwasan na magkakaroon ng iba’t ibang sakit.

Pitong libo at isangdaan at walumpong (7,180) indibidwal at pamilya ang naging benepisyaryo ng programa kabilang ang mga 200 senior citizens, 569 buntis, 1023 nagpapasusong ina, 228 na batang mababa ang timbang at 5,160 pamilya na nabibilang sa lubos na mahihirap na walang maaasahang iba.

Pinamahalaan ng Pambayang Tagapangasiawa ng Nutrisyon na si Arjhay P. Bernardo at ng kanyang mga tauhan ang pamamahagi ng masustansyang pagkain sa barangay at katuwang nito ang mga Barangay Nutrition Scholar at Barangay Health Worker.


garden 1

Photo credit to the FAO webpage; World Food Day on 16 October 2020

The National Nutrition Council (NNC) Region III as its commitment to the 2020 World Food Day Celebration on 16 October 2020 will establish its own vegetable garden in the vicinity of its office. The establishment of a vegetable garden is in partnership with the Department of Agriculture-Regional Field Unit III, in line with the agency’s effort to promote the growing of food gardens in every home to mitigate hunger and malnutrition.

The setting-up of its own vegetable garden will serve as a model to national government agencies that hold their offices outside the Regional Government Center, despite the limited space and whose location is in the bustle of urban environment. NNC-Region III’s office is located along Lazatin Boulevard, City of San Fernando, Pampanga along side with the restobars, car accessories’ shops, food establishments and hotels.  

It can be recalled that in 2018, the NNC-Region III started the “Gulayan sa Aming Tanggapan” contest in line with the 44th Nutrition Month celebration with the theme “Ugaliing magtanim, Sapat na nutrisyon aanihin”. The gulayan contest which was also held in partnership with the DA-RFU III was participated by the Cooperative Development Authority (CDA), Department of Science and Technology (DOST), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Food Authority (NFA) Pampanga Office, and National Economic and Development Authorirty (NEDA).

The NFA-Pampanga Office emerged as champion as it planted more crops and produced more yields; followed by the CDA-Regional Office III which converted the sandy and stony parcel of land into a vegetable garden; then by the DSWD-Regional Field Office III which was grown with utmost loving care by its utility staff; then by DOST-RO III and NEDA RO III. The board of judges then were Mr. Ricky Manguerra from the DA-RFU III, Ms. Marie Joy L. Simpao-Carbungco from the Philippine Information Agency-Region III and Ms. Angelita M. Pasos NNC-Region III, who persevered to visit the vegetable gardens regularly to monitor the progress.

The gulayan contest created ripples at the local government units, where up to now is being sustained by families in the barangay, more so with the COVID-19 pandemic.

The NNC-Region III staff looks forward to creating another milestone of collaborative efforts with the members of the Central Luzon Regional Nutrition Committee in implementing the project, with the DA-RFU III in particular. The vegetable garden will be launched tentatively on 7 December 2020 as one of the highlights of the 2020 Virtual Regional Nutrition Awarding Ceremony.

Inspired by the 2020 World Food Day theme “Grow. Nourish. Sustain. Together”, we (NNC) will continue to grow the practice of engaging more people to grow their own food, advocate the importance of nourishment (nutrition), and sustain the good practice together to create greater impact.

NNC-Region III will keep you posted. Please mark the date – 7 December 2020.

nutribun3
Ang Municipal Nutrition Committee ng Talavera sa pangunguna ni Mayor Nerivi Santos-Martinez ay namahagi ng masustansyang tinapay na NUTRIBUN sa panahon ng pandemya na COVID-19 bilang suplemento sa mga batang may edad na 12-59 na buwan, mga buntis, senior citizen, nagpapasusong ina at mga mahihirap na talagang naapektuhan ng pandemya.

Ang Bakery ng Bayan ang nangangasiwang gumawa ng mga masusustansyang tinapay na ipinamahagi sa panahon ng Community Quarantine. Nine thousand five-hundred seventy-four (9,574) packs ang naibahagi sa 53 barangay ng Talavera. At kabilang rito ang 497 na mga batang may mababang timbang at mga batang nasa borderline, 569 na mga buntis, 1,023 na nagpapasusong ina, 2,325 na senior citizen at 5,160 na pamilyang kabilang sa mga mahihirap na talagang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.

Dahil na rin sa kagustuhan ni Mayor Martinez na sa mga susunod na panahon ay wala nang maitatalang mga batang may mababang timbang, at mga buntis na nanganganak na kulang sa buwan. Kaya’t patuloy ang pag-iisip ni Mayor Martinez ng mga proyektong talagang kapaki-pakinabang at makatutulong sa mga mamamayan ng Talavera.

Ipinagkatiwala ang pamamahala ng pagbibigay ng masustansyang NUTRIBUN sa bayan ng Talavera kay Arjhay P. Bernardo, pambayang tagapangasiwa sa nutrisyon, kung saan ang kasama sa kanilang operasyon ang pagpapatakbo ng Bakery ng Bayan. Ayon pa kay Bernardo, siniguro nyang sa mga benepisyaryo talaga mapupunta ang mga masusustansyang tinapay upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga batang may mababang timbang, makatulong na may panlaban sa pandemya ang mga senior citizen dahil gawa ito sa malunggay at masigurado na may magandang nutrisyon pa rin ang mga buntis at nagpapasusong ina sa gitna ng pandemya.

Dagdag dito ang taos pusong pasasalamat ni Mayor Nerivi sa mga nagmagandang loob na tumulong sa Bakery ng Bayan partikular sa pamilya ni Gng. San Pedro na nagbigay ng mga itlog upang mas madaming tinapay ang maibahagi sa ating mga  kababayan.

Bilang pagkalinga sa mga mas nangangailangan nating mga kasama, ang karagdagang tulong sa pagpapamigay ng masustansiyang nutribun ay para mapanatili ang kanilang tamang kalusugan sa gitna ng krisis na dala ng COVID19.

May akda: MNAO Arjhay Bernando - Talavera, Nueva Ecija