Buwan ng Nutrisyon 2009 Wastong nutrisyon kailangan, lifestyle diseases iwasan!

Rate this item
(15 votes)

"Wastong nutrisyon kailangan, lifestyle diseases iwasan!" ang napiling tema ngayong 2009 para bigyang pansin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon para maiwasan at makontrol ang lifestyle diseases. Layunin ng Buwan ng Nutrisyon sa taong ito na magkaroon ng malawakang pagkilos para ang lahat ay magkaroon ng wastong nutrisyon.

Ang lifestyle diseases o mga sakit na hindi nakakahawa (non-communicable diseases or NCDs) ay may kinalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay. 

  • Kasama sa lifestyle diseases ang sakit sa puso, kanser, diabetes mellitus, at mga sakit sa baga.
  • Ang mga ito ay pangunahing dahilan ng pagkamatay at pagkakasakit.  
  • Ang mga kalagayang nagiging sanhi o risk factors ng lifestyle diseases ay:
  • Kulang sa ehersisyo
  • Paninigarilyo
  • Pag-inom ng alak
  • Pagiging mataba
  • Hindi tamang pagkain
  • Malnutrisyon
  • Ang pagkakaroon ng lifestyle diseases ay nagsisimula sa sinapupunan pa lamang at ito ay maaring magpatuloy hanggang sa pagtanda kung hindi ito agad matutugunan. 

Gaano karami ang apektado ng lifestyle diseases?

  • Ayon sa World Health Organization, mahigit na 35 milyon sa naitalang 58 milyong namatay noong 2005 ay dahil sa lifestyle diseases.
  • Sa Pilipinas, ang pangunahing dahilan ng pagkamatay at pagkakasakit ay sakit sa puso at sakit sa vascular system.
  • Siyam sa bawat sampung Pilipino ay may isa or mahigit sa mga risk factors.

Ano ang sitwasyon sa nutrisyon ng mga Pilipino na ugnay sa lifestyle diseases?

Edad Nutritional Status Paglaganap
 0-5 taong bata Underweight 26.2
  Stunting 27.9
  Overweight 2.8
6-10 taong gulang Underweight 25.6
  Stunting 33.1
  Overweight 1.6
Kabataan, 11-19 taong gulang Underweight
Overweight
17.0
4.6
Buntis At-risk 26.5
Mga nag-papasusong ina At-risk 13.1
Matanda
20-39 taon Chronic energy deficiency 10.5
  Overweight 18.8
  Obese 4.5
40-59 taon Chronic energy deficiency 9.1
  Overweight 25.7
  Obese 6.6
60 taon – pataas Chronic energy deficiency 21.1
  Overweight 18.8
  Obese 3.8
20 taon – pataas Waist-hip ratio*
Lalaki
Babae
12.1
54.8
  Waist circumference*
Lalaki
Babae
2.4
17.0

Mula sa 7th National Nutrition Survey, FNRI-DOST, 2008, maliban sa may * na mula sa 2003 survey.

Tama ba ang kinakain ng mga Pilipino?

Ayon sa Food and Nutrition Research Institute ng DOST:

  • Tumataas ang konsumo ng Pilipino ng
    • Isda, karne, manok at kauri nito, at itlog
    • Asukal at matatamis na pagkain
    • Mamantika at matatabang pagkain
    • Maaalat na pagkain
  • Bumababa ang konsumo ng gulay, prutas at iba pang mahiblang pagkain

Bakit nagbabago ang diyeta ng Pilipino?

  • Madalas kumain sa labas ng bahay
  • Pag-unlad ng teknolohiya o information technology
  • Impluwensiya ng mass media
  • Urbanisasyon at globalisasyon

Ano ang hindi tamang pagkain o diyeta?
Ang hindi tamang pagkain o diyeta ay mga pagkaing nagtataglay ng:

  • Mataas ang kaloriya o enerhiya ngunit mababa ang taglay na ibang sustansiya
  • Mataas sa saturated fat (taba mula sa hayop), trans-fat (langis ng gulay na dumaan sa proseso), asukal at asin
  • Mababa sa fiber o hibla mula sa prutas at gulay

Ano ang mga dapat gawin para mapanatili ang wastong nutrisyon at makaiwas sa lifestyle diseases?

Indibidwal

  • Kumain ng sapat at hindi sobra para tama ang timbang.
  • Siguruhing laging balanse ang kinakain sa pangangailangan ng katawan.
  • Iwasan ang pagkain ng mga karneng may taba, mamantikang ulam at panghimagas at pagkaing may trans fats.
  • Dagdagan ang kain ng gulay at prutas araw-araw, mga 5 dulot o higit pa.
  • Umiwas sa mga matatamis na pagkain at inumin.
  • Umiwas sa maaalat na pagkain at asin ngunit gumamit pa rin ng iodized salt.
  • Umiwas sa alak at paninigarilyo.
  • Mag-ehersisyo limang beses sa isang linggo, mga 30 minuto o higit pa kada araw.
  • Iwasan ang stress.

Pamilya, Pamayanan at Paaralan

  • Magtanim ng gulay at prutas.
  • Isulong ang pagpapasuso.
  • Sama-samang mag-ehersisyo at magpatimbang.
  • Regular na magpatingin sa doktor.
  • Siguruhing nagtitinda ng masustansyang pagkain ang mga tindahan sa inyong lugar.

NGOs/Pribadong Sektor/Samahan ng Mamamayan

  • Magkaroon ng programang wellness.
  • Magsagawa ng seminar tungkol sa tamang pagkain at pamumuhay.
  • Tangkilikin ang mga establisyementong may binebentang lokal at masustansiyang pagkain.

Industriya at pamilihan ng pagkain

  • Mag-handa ng mga pagkaing mababa sa asin, asukal, taba at kaloriya.
  • Maglagay ng nutrition label o tatak pang-nutrisyon o ipaalam sa mga mamimili ang kahalagahang pang-nutrisyon ng mga pagkaing inihahanda.
  • Itaguyod ang tamang pagkain.

Pamahalaan

  • Magbalangkas ng mga polisiya at patakaran para maging mas mura at marami ang supply ng lokal na prutas at gulay.
  • Maglagay ng mga imprastraktura para sa ehersisyo.
  • Magkaroon ng batas sa paglalagay ng tatak pang-nutrisyon o nutrition labelling.
  • I-regulate ang mga produktong gumagamit ng trans-fatty acids.
Last modified on Thursday, 31 March 2011 13:24
Login to post comments
You are here: Home Plans & Programs Nutrition Month Buwan ng Nutrisyon 2009 Wastong nutrisyon kailangan, lifestyle diseases iwasan!