Nutrition Month
Rate this item
(19 votes)

YEAR

              NUTRITION MONTH THEME

1976

Maximum utilization of local resources

1977

Strengthening the nutrition program at the barangay level

1978

Ugnayan ng kabataan sa nutrisyon

1979

Malusog na bata, malusog na bansa

1980

Wastong nutrisyon, landas tungo sa magandang kinabukasan

1981

Nutrisyon at kaunlaran

1982

Nutrisyon at kabuhayan sa kaunlaran

1983

Tiyakin ang kinabukasan, wastong pagkain ay kaugalian

1984

Wastong nutrisyon sa sariling pagsisikap

1985

Increased family productivity for economic recovery

1986

Sa lakas ng sambayanan, wastong nutrisyon ang kailangan

1987

Sa pagbubuklod ng diwa at bisig, wastong nutrisyon makakamit

1988

Nutrition in development

1989

Sapat sa sustansiya, lakas ng pamilya

1990

Malnutrisyon:  tuklasin at pugsain

1991

Sa sama-samang pagkilos, malnutrisyo’y malulutas

1992

Karapatan ng bawa’t Pilipino, wastong nutrisyon ay matamo

1993

Higit sa lahat, pagkaing sapat – para sa lahat

1994

Prutas at gulay ng bayan, taglay ay lakas at yaman

1995

Buto at ngipin patibayin, gatas ating inumin

1996

Kapag kumain nang sapat, wastong timbang ang katapat

1997

Kalusugan tiyakin sa masustansiya at ligtas na pagkain

1998

Fortified foods kainin, dadgag sustansiya’y kamtin – selyong sangkap pinoy hanapin

1999

Pagkaing sapat siguruhin, wastong nutrisyon ating kamtin

2000

Wastong nutrisyon:  alamin at gawin

2001

Wastong nutrisyon:  alamin at gawin at palaganapin

2002

Pagkain at paglaki ay bantayan, upang ang wastong nutrisyon ay kamtan

2003

Kabataan palusugin, isulong ang breastfeeding

2004

Breastfeeding panatilihin, dagdagan ng wastong pagkain

2005

Batang may kinabukasan, sa wastong nutrisyon simulan

2006

Kumain nang RIGHT, para maging batang BRIGHT

2007

Healthy lifestyle ng kabataan, landas sa kinabukasan

2008

Sa wastong nutrisyon ni mommy, siguradong healthy si baby

2009

Wastong nutrisyon kailangan, lifestyle diseases iwasan

2010

Sa pagkaing tama at sapat, wastong timbang ni baby ang katapat

2011

Isulong ang BREASTFEEDING – Tama, Sapat at EKsklusibo!

2012

Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain

2013

Gutom at malnutrisyon, sama-sama nating wakasan

2014

Kalamidad paghandaan: Gutom at malnutrisyon agapan!

 

Rate this item
(48 votes)

Muling ipagdiriwang ng bansa ang Nutrition Month ngayong Hulyo. Ang tema sa taong ito ay “Sa pagkaing tama at sapat, wastong timbang ni baby ang katapat!” upang bigyang diin ang kahalagahan ng complementary feeding bilang isang stratehiya upang maiwasan ang malnutrisyon sa sanggol at bata. Maraming mga sanggol na may edad anim na buwan pataas ay malnourished dahil:

  • hindi sapat ang dami at kalidad ng mga pagkain
  • maling pamamaraan sa pagpapakain sa bata, at
  • sa sakit at impeksyon

Ano ang complementary feeding at bakit ito mahalaga?

  • Ang complementary feeding ay ang pagbibigay ng ibang mga pagkain at likido sa mga sanggol simula sa kaniyang ika-anim na kumpletong buwan habang ipinagpapatuloy ang pagpapasuso.
  • Ang angkop na complementary feeding kasama ng patuloy na pagpapasuso ay nagtataguyod ng pinakamabuting paglaki at kalagayan ng mga
    bata at sanggol, at hinahadlangan nito ang pagiging bansot ng mga batang may edad 6 hangang 24 buwan.
  • Kahit na may patuloy na pagpapasuso, ang mga bata ay nagiging bansot kapag hindi sila makakatanggap ng sapat na dami at kalidad na complementary foods pagkaraan ng anim na buwan.
  • Ang pagiging malnourished sa unang dalawang taon ng buhay ay mayroong malaking epekto hindi lamang sa isang indibidwal kundi pati na rin sa buong bansa.
Rate this item
(16 votes)

"Wastong nutrisyon kailangan, lifestyle diseases iwasan!" ang napiling tema ngayong 2009 para bigyang pansin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon para maiwasan at makontrol ang lifestyle diseases. Layunin ng Buwan ng Nutrisyon sa taong ito na magkaroon ng malawakang pagkilos para ang lahat ay magkaroon ng wastong nutrisyon.

Ang lifestyle diseases o mga sakit na hindi nakakahawa (non-communicable diseases or NCDs) ay may kinalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay. 

  • Kasama sa lifestyle diseases ang sakit sa puso, kanser, diabetes mellitus, at mga sakit sa baga.
  • Ang mga ito ay pangunahing dahilan ng pagkamatay at pagkakasakit.  
  • Ang mga kalagayang nagiging sanhi o risk factors ng lifestyle diseases ay:
  • Kulang sa ehersisyo
  • Paninigarilyo
  • Pag-inom ng alak
  • Pagiging mataba
  • Hindi tamang pagkain
  • Malnutrisyon
  • Ang pagkakaroon ng lifestyle diseases ay nagsisimula sa sinapupunan pa lamang at ito ay maaring magpatuloy hanggang sa pagtanda kung hindi ito agad matutugunan. 
Rate this item
(8 votes)

Nutrition Month (NM) is held every July to focus the general public’s attention on nutrition along a chosen theme. The National Nutrition Council (NNC) and local government units are mandated to coordinate the celebration of Nutrition Month (Section 7, Presidential Decree No. 491 or Nutrition Act of the Philippines, 25 June 1974).

This year, the country is celebrating the 34th Nutrition Month with the theme “Sa wastong nutrisyon ni mommy, siguradong healthy si baby!” to emphasize the importance of proper health and good nutrition among pregnant and would-be pregnant women for improved nutrition of the baby.  It also stresses the importance of proper nutrition before, during, and, after pregnancy for a healthy mother and baby.

Rate this item
(10 votes)

What is Nutrition Month (NM)?

The NM celebration is celebrated every July (Section 7 of the Presidential Decree No. 491 or the Nutrition Act of the Philippines, 25 June 1974) to build awareness on nutrition along a chosen theme. The National Nutrition Council together with local government units are mandated to coordinate its celebration nationwide. The celebration of NM is now on its 33rd year.

For 2007, NM is focused on adolescents (10-19 years) with the theme, “Healthy lifestyle ng kabataan, landas sa kinabukasan!” The theme focuses on the nutrition and health needs of Filipino adolescents particularly on the consumption of nutritious food to prepare them for adulthood and the practice of healthy lifestyle to stay fit and healthy.

You are here: Home Plans & Programs Nutrition Month